Travel Log
Uwian
na naman. Pagod na pagod na ang katawan ko dahil sa mga nangyari ngayong araw.
Tapos na ang aking huling klase sa Filipino sa College of Nursing (CON)
Building. Habang pababa kami ng hagdan, nagkakaingay pa rin ang mga kaklase ko
tungkol sa ipapagawa ng aming professor. Ang napatapat sa akin ay ang
pagtitinda ng kalamay. Ayos na sa akin ang ganoon kaysa mag-bible sharing sa
loob ng punong-punong jeep habang nasa biyahe. Hindi rin maka-move on ang iba naming kaklase kasi
yung iba sa kanila ay magiging barker, magiging strret sweeper at kung ano pa.
At ang mas masaklap, kung sino pa yung magaganda sa amin, sa kanila pa napunta
ang talaga namang hindi babagay sa mga itsura nila. Si Janeth na totoong
maganda, ay dapat maranasang maging barker. Napapakunot nalang kami dahil hindi
talaga babagay sa kanya ang pagiging barker. Nang makalabas na ami ng
unibersidad nagkakaingay pa rin sila dahil nga roon. Nakaramdam tuloy ako ng
inis. Yun ba namang ang sama na ng pakiramdam mo, sasabayan pa ng ingay ng mga
kaklase mo. Wala masyadong nangyari habang naglalakad ako papunta ng terminal
ng jeep papuntang alfonso. Pagdating doon, mayroon pang mauupuan kaya sumakay
na ako. Napansin ko ang mga first year college ng pinapasukan kong unibersidad.
Sobrang ingay nila. Nang mapuno ang sasakyan, umandar na ito at umalis.
Napansin kong may sumusunod na motor na kakilala ng mga kasakay kong estudyante
at sobrang inagy pa rin nila. Tilian ng tilian sa loob ng sasakyan. Napakunot
ang noo ko sa inis. Kababata pa ay kahaharot na. Noong malapit na ako sa amin,
sobrang iingay pa rin nila pero hindi ko na pinansin kasi bababa na rin naman
ako. Pumara ako ngunit hindi ako naririnig ng driver dahil sa ingay ng mga
estudyanteng kasakay ko kaya ang ginawa ko, humiyaw ako para tumahimik sila at
marinig ako ng driver. Tumigil ang jeep at bumaba na ko. Lahat ng kasakay ko ay
napatingin sa akin. Hinayaan ko nalang sila. Naisip ko nalang na hindi naman
mawawala ang pagod ko kung iintindihin ko pa sila. At eto ang mga pangayari
simula nang matapos ang ang huling klase ko hanggang sa makauwi ako sa aming
bahay.
No comments:
Post a Comment