Setyembre, 4, 2014
Ang
panigip ay maaring magkatotoo o hindi. Nagkaroon ako ng panaginip noong isang
gabi. Isang weirdong panaginip. Ako at ang mga kaklase ko raw ay may dalawang
bagong kaklase at hindi sila tao. Sila yung mga characters sa pelikulang Moster’s Inc. at Monster’s University na
sina Sullivan at Mike. Sa panaginip kong ‘yon, ang maliit na si Mike ay mas
malaki na kay Sollevan. Pagkatapos nilang umakbay sa aming magkakaklase ay
natapos na ang panigip kong ‘yon kasi nagising na ako. Hindi ko lubos maisip
kung bakit ganoon ang napanaginipan ko sapagkat hindi naman talaga iyon
mangyayari sa tunay na buhay at kung mangyari man iyon ay siguradong tatakbo
ako sa takot.
Sumunod
na gabi, nanaginip na naman ako. Isa na namang weirdong panaginip. Alam naman
natin na kapag sinabi na outing ay siguradong may magagaanap na
panglalangoy ngunit sa panaginip ko, hindi. Ibang iba talaga dahil ang outing
na nasa panaginip ko ay isang practice ng graduation yata o JS Promenade kasi
naka pang-amerikano ang mga kaklase at katropa ko. Isa isa silang rarampa sa
may stage ng bigla nalang akong ginising ng nanay ko at tinatanong kung bakit
ako hiyaw ng hiyaw habang natutulog. Napaisip na lamang ako, paano ako hihiyaw
habang natutulog kung sa panaginip ko naman ay hindi ako humihiyaw? At dito,
masasabi ko nga talaga na napakaweirdo ng mga napapanaginipan ko gabi gabi.
No comments:
Post a Comment