Saturday, September 6, 2014

Travel Log

Travel Log

                Uwian na naman. Pagod na pagod na ang katawan ko dahil sa mga nangyari ngayong araw. Tapos na ang aking huling klase sa Filipino sa College of Nursing (CON) Building. Habang pababa kami ng hagdan, nagkakaingay pa rin ang mga kaklase ko tungkol sa ipapagawa ng aming professor. Ang napatapat sa akin ay ang pagtitinda ng kalamay. Ayos na sa akin ang ganoon kaysa mag-bible sharing sa loob ng punong-punong jeep habang nasa biyahe. Hindi rin maka-move on ang iba naming kaklase kasi yung iba sa kanila ay magiging barker, magiging strret sweeper at kung ano pa. At ang mas masaklap, kung sino pa yung magaganda sa amin, sa kanila pa napunta ang talaga namang hindi babagay sa mga itsura nila. Si Janeth na totoong maganda, ay dapat maranasang maging barker. Napapakunot nalang kami dahil hindi talaga babagay sa kanya ang pagiging barker. Nang makalabas na ami ng unibersidad nagkakaingay pa rin sila dahil nga roon. Nakaramdam tuloy ako ng inis. Yun ba namang ang sama na ng pakiramdam mo, sasabayan pa ng ingay ng mga kaklase mo. Wala masyadong nangyari habang naglalakad ako papunta ng terminal ng jeep papuntang alfonso. Pagdating doon, mayroon pang mauupuan kaya sumakay na ako. Napansin ko ang mga first year college ng pinapasukan kong unibersidad. Sobrang ingay nila. Nang mapuno ang sasakyan, umandar na ito at umalis. Napansin kong may sumusunod na motor na kakilala ng mga kasakay kong estudyante at sobrang inagy pa rin nila. Tilian ng tilian sa loob ng sasakyan. Napakunot ang noo ko sa inis. Kababata pa ay kahaharot na. Noong malapit na ako sa amin, sobrang iingay pa rin nila pero hindi ko na pinansin kasi bababa na rin naman ako. Pumara ako ngunit hindi ako naririnig ng driver dahil sa ingay ng mga estudyanteng kasakay ko kaya ang ginawa ko, humiyaw ako para tumahimik sila at marinig ako ng driver. Tumigil ang jeep at bumaba na ko. Lahat ng kasakay ko ay napatingin sa akin. Hinayaan ko nalang sila. Naisip ko nalang na hindi naman mawawala ang pagod ko kung iintindihin ko pa sila. At eto ang mga pangayari simula nang matapos ang ang huling klase ko hanggang sa makauwi ako sa aming bahay.

Panaginip

Setyembre, 4, 2014
                Ang panigip ay maaring magkatotoo o hindi. Nagkaroon ako ng panaginip noong isang gabi. Isang weirdong panaginip. Ako at ang mga kaklase ko raw ay may dalawang bagong kaklase at hindi sila tao. Sila yung mga characters sa pelikulang Moster’s Inc. at Monster’s University na sina Sullivan at Mike. Sa panaginip kong ‘yon, ang maliit na si Mike ay mas malaki na kay Sollevan. Pagkatapos nilang umakbay sa aming magkakaklase ay natapos na ang panigip kong ‘yon kasi nagising na ako. Hindi ko lubos maisip kung bakit ganoon ang napanaginipan ko sapagkat hindi naman talaga iyon mangyayari sa tunay na buhay at kung mangyari man iyon ay siguradong tatakbo ako sa takot.

                Sumunod na gabi, nanaginip na naman ako. Isa na namang weirdong panaginip. Alam naman natin na kapag sinabi na outing ay siguradong may magagaanap na panglalangoy ngunit sa panaginip ko, hindi. Ibang iba talaga dahil ang outing na nasa panaginip ko ay isang practice ng graduation yata o JS Promenade kasi naka pang-amerikano ang mga kaklase at katropa ko. Isa isa silang rarampa sa may stage ng bigla nalang akong ginising ng nanay ko at tinatanong kung bakit ako hiyaw ng hiyaw habang natutulog. Napaisip na lamang ako, paano ako hihiyaw habang natutulog kung sa panaginip ko naman ay hindi ako humihiyaw? At dito, masasabi ko nga talaga na napakaweirdo ng mga napapanaginipan ko gabi gabi.